Ad

Friday, July 20, 2012

Tag-ulan na naman, everytime na ganito ang panahon. Im'thinking about foods na masarap kainin kapag ganito ang panahon.

Ito ang 5 pagkain na para sa akin ay masarap kainin kapag umuulan.


1. Instant Mami Noodles - kilala na natin ang word na "Lucky Me". Kapag narinig ko itong word na
to, noodles kaagad pumpasok sa isipan ko. Marami ng uri ng mami noodles, meron cup noodles at meron din nasa plastic at included na yon seasonings or pang-mix para maging mami sya. Napakarami ng flavor ang pede mo pagpilian, beef, chicken, sea food, batchoy, jampong at marami pang iba.

Beef/chicken instant mami noodles ang madalas ko lutuin kapag umuulan. Madami akong combination na nilalagay sa noodles para lalong masarap. Pero ito ang pinakamadali at alam na alam ng mga pinoy.

- Beef/chicken instant mami noodles plus nilagang itlog or binateng itlog.
 2. Tuyo (dried fish) - Isa sa mga klase ng pag-iimbak ng pagkain ang pagtutuyo. Para ma-preserve
ang mga isda na di maibebenta or maaring mabulok. Pwede mo itong ibilad sa araw upang matuyo.
Iba't-ibang klase ngayon ang nagsilabasan. Bukod sa isda, mayroon pusit, bangus, danggit, sapsap, dilis, etc. Sa akin lang, maganda ito katambal ng mami noodles.

 3. Lugaw (Arroz caldo) - Kung gusto mo ng mabigat-bigat sa tyan. Purong carbohydrates, eto ang
lugaw. Masarap sya kung kaldo (chicken/pork/beef broth) ang ilalahok. You can add boiled egg or
add a chicken/pork/beef part.


4. Nilaga - Madaming uri ng nilaga, may manok, baka at baboy. Walang tatalo sa mainit na sabaw
ng nilaga, mainit at masarap. Lalo sumasarap mga version ngayun ng baka lalo na yun may mais
(corn). Panalo ang amoy at manamis-namis ang lasa ng sabaw.

  5. Tinola - Mahalaga sa luto nito ang main ingredients which is papayang hilaw. Mayroon din
nitong ibat-ibang klase, may tinolang isda, tinolang manok, tinolang baboy at tinolang baka. Kagaya ng nilaga masustansya ito lalo na sa mga nanay na bagong panganak. Dahil pampadagdag ito ng gatas ng ina (breast milk).




You can post a comment kung ano masarap kainin para sa inyo tuwing tag-ulan.

Salamat :)